“Emo ka b?” (ni Mark Ryan Cueto)part 2

“Walang Masama sa Pagiging Emo basta nasa Tama”


Sa kasalukuyang panahon, nauuso sa kabataan sa atin ang tinatawag na emo. Emo na tinatawag nating emosyonal na tao.  Bakit nga ba maraming naiinis at nagagalit sa kanila at ang iba naman ay natutuwa?



“Ayon sa aking mga nabasa at namasid, maraming naiinis sa kanila, para daw kasi silang mga baliw, may toyo sa utak at ang iba naman ay mga adik daw ang Emo. Kung pagmamasdan mo kasi sila kakaiba ang kanilang porma, mayroon pa silang makapal na eyeliner sa mata na parang adik daw kung titingnan. Tapos sabi ng iba nagsusuicide pa daw, na hindi naman dapat gawin. Kung may problema, kaya naman solusyonan ‘yan, hindi sa paraang magpapakamatay ka. Hindi ba’t isang kabaliwan ‘yon? At yung iba naman daw na Emo mahilig magsulat ng sentimyento nila sa ding-ding ng pader o wall. Naiinis ang ilan dahil sa nakakasira sila ng kapaligiran.


“Kung mayroong naiinis mayroon din namang tao na natutuwa dahil tumataas daw ang ekonomiya ng bansa dahil maraming nabibigyan ng trabaho sa pagbukas ng pabrika ng blade at eyeliner at marami daw ang namamatay kaya lumiliit ang populasyon natin na nakakabawas sa problema ng ating bansa.


“Bilang konklusyon, ayos lang na magpaka-emo tayo ngunit ilalagay natin ito sa tama na hindi makakasakit ng kapwa at pati na rin sa ating sarili. Dapat nga ay pahalagahan natin ang ating buhay dahil ito ay pinahiram lang sa atin ng Poong Maykapal. At kung may mga dumating man na problema sa atin humingi lang tayo ng tulong sa Kanya at hindi n’ya tayo bibiguin.

kasaysayan ng Emo


Saan nga ba nanggaling ang emo? Kailan ito nagsimula at sino ang nag-umpisa at bumuo ng salitang ito?


Ang totoo talagang tawag sa emo ay “Emotive Hardcore” or “Emotionally Charge Hardcore Funk”.ito ay isang style ng rock music na isa sa mga uri ng genre ng musika. Ito ay nagsimula noong mid-1980’s hard core punk movement sa Washington D.C.. Ang Ang salitang emo ay cointerm lang na ginamit ng mga fans ng mga banda.. Nagsimula ito sa mga bandang Hardcore bands, Funk bands. Ang mga bandang ito ay nagsawa sa mga tinutugtog nila at doon nabuo ang genre na emo o emotive hardcore. Ang mga halimbawa ng emotive bands ay mga Fugazi, Jimmy eatworld, brighteyes, Rites of Spring, The Spill Canvass, Dashboard Confessional at 30 Seconds to Mars. Ang ilan naman sa halimbawa ng kanilang mga kanta ay “waiting room” ng fugazi, “middle and pain” ng Jimmy Eatworld at “Sunrise,Sunset” ng Bright Eyes.


Ang emo music kung mapapakinggan mo ay boring at malamya ang dating, Ang musikang ito ay mas pinaingay at ang kanta nila ay laging pasigaw at doon nabuo ang salitang scream, pinaghalong salitang emo at scream. At ang mga kanta ng mga bandang ito ay tungkol sa malulungkot na tugtugin. Sa makatuwid, ang mga bandang ito ay nakaimpluwensya sa mga nakikinig lalo na yung mga taong problemado na sa ngayon ay tinatawag natin silang emo, na lumalaganap ngayon sa ating lugar.Walang masama sa pagiging emo basta lagi natin itong ilalagay sa lugar, na hindi tayo pisikal o emosyonal nakakasakit ng ibang tao at lalong lalo na sa ating sarili.



Waiting Room ng bandang Fugazi
Mga pictures ng bandang emo


Ni: Mark Ryan D.G. Cueto

Advertisement

Leave a Comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.