Ngayon sa ating kasalukuyan marami na ang nauuso mayrong kikay, raper style, rakista at marami pang iba. Na malakas ang dating sa ating mga tao lalo na sa mga kabataang tulad ko. Pero sa lahat ng mga sikat ngayon ito ang pinaka latest ”EMO STYLE”.

Emo kong tawagin ang taong may kakaibang ayos o style tulad ng block lover, may kakaibang ayos ng buhok o hair style, matang hal0s di na makadilat sa subrang kapal ng eye liner, at sa dami ng kanilang abubut sa katawan tulad ng pag lalagay ng hikaw di lamang sa kanilang tenga kundi pati na rin sa kilay, ilong, at maging sa kanilang dila. Na tila walang sakit na nararamdaman basta maging “EMO LANG”.
Sa ngayon marami na rin akong nakikitang bata, kabataan, at maging sa matatanda ang ganitong uri ng ayos o FASHION NG EMO. Naalala ko tuloy ang dati kong kaklase noong ako’y nasa sekondarya pa. Jennelyn ang pangalan nya na mahilig din sa itim, may kakaibang hair style at madami ring abubut. Tinawag na din namin syang emo at di naman nya iyon itinatanggi sa halip ay kanya pa itong ipinagmamalaki.
Sa mga kaibigan at iba kong mga kaklase ko ngayon ay naitanong ko narin kong ano ang emo. Sabi nila “ako daw ay isang emo dahil daw sa one side na bangs ko”. Napaisip tuloy ako na basta lang ba may one side na bangs ang isang tao ay maituturing na rin itong emo?
Lahat naman tayo ay maaring maki-uso sa lahat ng mga nauuso. Pero tandaan na hindi lahat na mga nauuso ay laging nararapat. Hindi yong basta ”MAKAUSO LANG”.

Judel Marie De Leon
BS math CS 1A
Leave a Comment
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
