Emo!!! Una kong narinig mula sa media, hanggang sa aking paligid mula sa Aat aking mga kaibigan.
Mahilig sa kulay itim, tayu-tayo ang buhok na may one side na bangs, tahimik at laging nasa sulok o sa isang tabi. Ito ang kanilang itsura o “FASHION” para sa kanila.
Pati mga kaibigan ko tinanong ko na tungkol sa Emo. Sabi nila “tahimik at palaging nag-iinasa loob ang kulo”.Gusto nila yong sa at sinasarili ang lahat ng nadarama nila”. Kaya siguro kadalasan yong mga katulad o kauri lang nila ang madalas kausap nila o nagiging kaibigan nila. “Emo sa Emo” eka nga.
Maging doon sa aming baryo pati mga bata na impluwensyahan na ng Emo. Kahit di nila alam ang kahulugan at ang ibigsabihin ng salitang Emo. Patuloy parin sila sa panggagaya, makauso lang.
Emo, ang lakas ang lakas ng impluwensya sa mga kabataan man at maging sa mga bata. Pero kahit ano pa man ang emong yan bastat walang maidudulot itong masama sa bawat isa, wala namang mawawala kung makiki-uso diba ?…
Alam mo ba ang emo?
Sa panahon natin ngayon halos lahat tayo alam ang emo. Ito ay marahil dahil sa lakas ng dating nito sa lahat pero may roon din namang ayaw sa emo. Pero teka e….. ano nga ba ang emo?, bakit may emo? at pano ito nakaimpluwensya sa karamihan lalo na sa mga kabataan?
Ano ang emo?
Marami ang nagbibigay kahulugan tungkol sa emo, may rong maganda at may roon din namang di masyadong maganda. Sabi ng ilan ang tawag na emo ay nakuha sa salitang “Emosyonal” dahil sa sensitibo sila, madali silang maapektuhan sa mga ilang salita na nakaapekto sa nararamdaman nila. May roong iba sabi nakuha ito sa isang style ng Rock Music na sumikat noong 1980′s. Tinawag itong “Emotive Hard Core”. Dahil sa lakas ngdating ng Rock Music sa mga kabataan madali itong nakaimpluwensya sa karamihan. Yong iba sabi nila ang Emo ay isang “genra ng music”, at ang emo ay isang “FASHION”
Bakit may emo?
Dahil sa “HI-TECH” na tayo ngayon mas mabilis itong kumalat o sumikat. Mula sa Mass Medya, Computer at iba pa. Dahil sa mga ito lalo na sa Mass medya unang nakita o nasulyapan ng marami ang emo. Na naingganya o naimpluwensyahan ang karamihang gayahin o tangkilikin ang emo, kaya kahit bata o matanda, mataba o payat, wala silang pakialam kahit ano pa ang maging itsura nila bagay man o hindi sa kanila dedma lang sila sa mga sinasabi ng iba. Sabi nila “basta makasunod lang sa uso”.
Judel Marie de Leon
BS math CS 1a
Leave a Comment
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
