ni: Agnes M. Caballero
All out black, with dark eyeliner, pa stockings na short at one sided hair ang makatawag pansin na fashion style ng isang teenage girl na babae habang nakapila sa isang rides sa Encanted Kingdom. Makaagaw pansin, dahil siya lang ang naiiba sa kanyang mga kasamahan. Hindi maiiwasan ng ibang nagdaraan ang mapatingin sa kanya ng kahit sandali. Iba-iba siguro ang iniisip ng mga ito tungkol sa kanya, kesyo hindi bagay, weirdo at parang kakatwa. Deadma lang para sa babae kung titigan at pagbulung-bulungan siya ng mga ito.

Para sa mga may kaisipang Emonismo, sumusunod sila sa trademark style ng emo society. Pati mga gawain ng ibang mga emo inaadapt nila sa sarili at tinutularan din. Katulad na nga ng paghihiwa sa sarili. Hindi ka certified Emo kapag wala kang peklat sa mga braso mo na tanda ng paghihiwa sa sarili kapag mag problema at hinanakit ka sa buhay mo. Ayon sa kanila mas nababawasan nga daw ang problema nila at gumagaan ang kanilang pakiramdam kapag ginagawa ito.
.

Kung titingnan mo sa umpisa, parang ang hirap makibagay sa isang kabataang ganito ang kaisipan, parang nakakatakot kasama dahil baka mamaya eh mapagtripan na saktan ang sarili. Nakakaasiwa kung hindi ka sanay sa ganitong mga estilo ng kasuotan at get-up pero kung sa, bagay parte na din yan ng modern style ngayon. Eka nga eh, nasa nagdadala lang yan. Kahit hindi bagay sa ‘yo basta carry mo eh, di dun ka sa makapagpapasaya sa ‘yo.
Isang tingin sa makatawag pansing bagay na gusto nating masiyasat ngunit ang isang tingin ay hindi sapat upang makilala ang isang tao bagay. Kinakailangang titigan ang mga detalye, alamin ang mga saloobin at siyasatin ang mga katangian upang maintindihan ang emo traits ng ganitong indibidwal.
Leave a Comment
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
